28/09/2025
Reposting:
Ito ang katotohanan sa likod ng bawat proyektong naitatayo. 👷♂️🇵🇭
Huwag nating lahatin. Sa bawat isyu ng katiwalian, meron at merong tapat at masipag na kontraktor at inhinyero na ang tanging misyon ay protektahan ang dignidad at kabuhayan ng kanilang mga manggagawa.
Sila ang mga negosyanteng ang bawat kikitain ay nakatuon sa bawat pamilyang umaasa sa sahod ng kanilang manggagawa. Bigyan natin ng pugay ang mga kumpanyang tumatayo sa tama at patuloy na nagtatayo, hindi lang ng istraktura, kundi pati na rin ng tiwala.