05/09/2026
Buong-puso pong nagpapasalamat ang buong Team ng AJCC Construction Services sa DEPED REGION 4A CALABARZON at sa LUSACAN ELEMENTARY SCHOOL, Tiaong, Quezon para sa napakahalagang parangal na ito! Highly appreciated po at habambuhay na itatatak sa aming puso.
Ang pagkilalang ito ay hindi lang simpleng award—ito ay isang paalala at hamon para sa aming koponan na lalo pang magsumikap. Isa sa aming mga mithiin ay ang patuloy na maging katuwang sa pagbuo ng mas maliwanag na bukas para sa ating mga kabataan.
Naniniwala kami na ang maayos, ligtas, at de-kalidad na edukasyon ang pinakamalakas na sandata upang magtagumpay ang bawat isa. Ang edukasyon ay walang pinipiling edad, walang pinipiling katayuan, at walang pinipiling antas sa buhay. Karapatan ito ng lahat, at tungkulin nating magkakasama na itaguyod ito!
Asahan ninyo na ang AJCC Construction Services ay patuloy na magtatrabaho nang may puso at integridad para sa ating komunidad. Maraming salamat po, at naway pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal! 🛠️🏫✨
-Boss Rein 👍🙂🙏🏻