02/03/2026
⬇️⬇️⬇️
📢 PAKIUSAP SA LAHAT NG LPG CONSUMERS, RETAILERS AT DEALERS SA MINDANAO
Tulong-tulong tayo laban sa illegal na LPG—lalo na ang illegally refilled cylinders at mga nag-operate nang walang kaukulang permit.
📌 Mahalaga: I-report agad kung may nakita o nalaman na:
-Nagbebenta ng illegally refilled LPG cylinders
-Walang License to Operate (LTO)
-Walang Authority to Sell (ATS) o iba pang kinakailangang dokumento
-May kahina-hinalang delivery / warehouse / refilling activity
🛡️ Bakit mahalaga ang inyong impormasyon?
-Dahil sa limitadong inspection resources at malalayong lugar, mas magiging epektibo ang aming operasyon kung may tamang leads—para ma-maximize at ma-target ang inspections.
📝 Ano ang puwedeng isama sa report? (kahit alin dito)
-Eksaktong lokasyon (barangay / landmark / pin)
-Pangalan ng tindahan / tao / establisimyento
-Uri ng posibleng paglabag
-Oras at araw ng bentahan o deliveries
-Larawan/video (kung ligtas lamang)
-Detalye ng sasakyan (plate no., kulay, uri) kung mayroon
⚠️ PAALALA
Iwasan ang komprontasyon. Unahin ang kaligtasan.
📩 Saan ipapadala?
Ibigay ang mga information sa pamamagitan ng pagfilled-up sa form: https://forms.gle/UVkPeqS7NUuwKMpC8
or email to us at [email protected] with subject: DOE-LPG Solicited Complaints.
Kumpidensyal ang inyong sumbong.
Sama-sama para sa ligtas at lehitimong LPG.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa!
Mindanao list of LPG players with LTO or Registration as of Dec. 31, 2025.
https://tinyurl.com/3tbyzxzj