27/07/2026
Bakit tumatagal ang isang project?
Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang additional works o project extension.
Madalas, habang ongoing ang construction, may mga ipinapadagdag ang client—additional room, mas malaking kitchen, bagong ceiling design, ibang finish, o iba pang improvements na wala sa original scope of work.
Kapag may nadagdag na trabaho, natural lang na madadagdagan din ang oras ng paggawa. Hindi ito dahil mabagal ang contractor, kundi dahil may bagong scope na kailangang tapusin nang maayos.
Sa construction, ang quality ay hindi minamadali. Mas mabuting matapos nang tama kaysa matapos nang mabilis pero may isasakripisyong kalidad.
Transparency, proper planning, at malinaw na communication ang susi para maging maayos ang bawat proyekto. 🏗️