24/08/2026
Yung number 3 talaga. 👀
Kapag nagpapagawa ka ng bahay, madalas ang iniisip natin:
“Maganda ba?”
“Kasya ba?”
“Okay ba ang layout?”
Pero may isang tanong na madalas nakakalimutan:
“Paano ito aayusin kapag kailangan nang i-maintain?”
Kasi may mga parts ng bahay na madaling gawin ngayon pero mahirap i-access kapag kailangan nang linisin, i-check, o i-repair later.
1. Ceiling & Utility Areas
Dito dumadaan o nakalagay ang iba’t ibang utilities tulad ng electrical lines, plumbing, at iba pang systems.
Kapag fully enclosed ang ceiling at walang maayos na access point, puwedeng maging mahirap ang pag-check o pag-repair.
Ang simpleng maintenance problem puwedeng mauwi sa:
baklas ceiling → dagdag labor → dagdag materials → dagdag gastos.
Kaya habang planning pa lang, isipin na kung saan kailangang magkaroon ng access for future maintenance.
2. Roof & Gutters
Hindi lang dapat isipin kung paano gagawin ang roof.
Dapat isipin din:
Paano ito lilinisin?
Paano iche-check ang gutters?
Paano maa-access kapag may kailangang ayusin?
Kahit gaano kaganda ang roof design, kung mahirap itong i-access safely, magiging problema rin ang maintenance over time.
3. Hidden Utilities & Hard-to-Reach Areas
May mga plumbing lines, electrical components, valves, drains, at mechanical equipment na puwedeng maitago nang maayos sa design.
Pero ang tanong:
Kapag nagka-problema, maa-access pa ba sila nang hindi kailangang magbaklas ng malaking bahagi ng bahay?
Ito ang klase ng bagay na madaling kalimutan habang bagong design pa lang.
Pero kapag may kailangang ayusin years later, doon mo marerealize kung gaano ka-importante ang maintenance access.
___
Hi, We are MAZIV Design & Build with over 10 Years Experience in the Design & Build Industry | 200+ Projects 🏡
We provide a FREE Initial Consultation Call para sa mga Future Homeowners & Business Owners building their space soon.
Comment “BUILD” and we’ll send you the details.