Focused Magnetics

Focused Magnetics Welcome to the 21st Century and the era of Focused Magnetics electric motors!

The page is dedicated to saving the Good Earth, by conserving the many teraWatts of energy that is wasted worldwide by ordinary electric motors whose design is 130 years old.

Likha ng Pilipino (Fil-Am): Ang Pinaka-Malakas at Pinaka-Mainam na mga Electric Motor sa Buong Mundo.Lahat po ng motor n...
10/01/2020

Likha ng Pilipino (Fil-Am): Ang Pinaka-Malakas at Pinaka-Mainam na mga Electric Motor sa Buong Mundo.

Lahat po ng motor na de-koryente na ginagamit ngayon sa mundo ay hindi nagbago ang disenyo sa nakalipas na 133 na taon. At tayo po ang kauna-unahang nakapaglikha ng paraan para halos dumoble ang lakas ng motor - subalit walang dinadagdag sa konsumo!

Dalawa lang po ang laman ng electric motor: Yung umiikot (rotor) at yung hindi umiikot (stator). Ang dalawa pong ito ay gawa sa mga magnet (permanent magnet at electromagnet).

Ang mga magnet po ng rotor at stator sa karaniwan na motor ay palaging 'pantay lamang ang lakas' - 50% hilaga (north pole) at 50% timog (south pole). Ngunit bukod tangi na ang mga poles lamang ng rotor at stator na magkaharap sa isa't-isa (sa pagitan na tinatawag na 'Airgap') ang siya lamang na nagbibigay pwersa para umikot ang motor.

At ang mga poles ng ordinariyo na motor, na hindi nakaharap sa Airgap ay nasasayang lamang ang pwersang magnetiko, dahil ito ay dumadaloy palabas lamang sa paligid ng motor o nagiging init lamang sa bakal ng motor (na tinatawag na 'backiron'). Dahil 50:50 po at pantay ang lakas ng magnetic poles, kalahati po ng buong lakas ng ordinariyo na motor ay nasasayang.

Subalit sa atin pong Focused Magnetics na motor, ang poles po natin ay 97:3 po ang lakas ng bawat magnet dahil po gumagamit tayo ng tinatawag na 'Halbach array'. Si Robert Catalan po ang lumikha ng 'Electromagnetic Halbach array'.

Kaya po sa Airgap ng mga motor natin, 97+97 o 194 ang kabuoang pwersang magnetiko, halos doble po ng ordinariyong motor na 50+50 o 100 lamang. Ngunit wala po tayong idinagdag sa konsumo sa mga motor natin, dahil matalino po nating kinukuha at binabaling ang pwersa ng mga poles na hindi nakaharap sa Airgap at binibigay po natin ang pwersa nito sa mga poles na tunay na nagpapaikot ng motor.

Ipagmalaki po natin ang likha po ng Pilipino para sa buong mundo - bagong motor para sa bagong siglo. Napakarami pong bagong trabaho ang maibibigay po nitong teknolohiya na ito sa bansa natin. Makakabuti po ito sa lahat. Salamat po!

The 'magnetic fulcrum' of any electric motor is at the Airgap (the space between the spinning Rotor and the powered, stationary Stator). Focused Magnetics' p...

Address

Washington D.C., DC

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Focused Magnetics posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Focused Magnetics:

Share