26/08/2026
READ | Davao City Councilor Tek Ocampo pushed for a proposed “Waste Workers’ Magna Carta” to strengthen the protection, benefits, and welfare of garbage collectors and other waste workers, including PPE, health services, hazard allowance, social security, and representation in environmental policymaking.
Isinulong sa Davao City Council ang panukalang “Waste Workers’ Magna Carta” para sa mga garbage collector at iba pang waste worker sa Davao City.
Ayon kay Davao City Councilor Temujin Ocampo, chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, layunin nitong palakasin ang proteksyon at benepisyo para sa mga waste worker sa lungsod.
Sa kanyang privilege speech, binigyang-diin ni Ocampo ang mahalagang papel ng garbage collectors, street sweepers, material recovery sorters, informal waste pickers at canal brigade sa pagpapanatiling malinis at ligtas ng Davao City.
Sa ilalim ng panukalang ordinansa, pagkakalooban ang mga waste worker ng libreng heavy-duty personal protective equipment, regular na health checkup at mga bakuna, kabilang ang hazard allowance para sa city-employed waste personnel.
Iminungkahi rin ang social security enrollment para sa informal waste workers, pagkakaroon ng kinatawan sa Ecological Solid Waste Management Board at suporta sa pagbuo ng green jobs cooperatives.
Ayon kay Ocampo, hindi lamang ito isang usapin ng polisiya kundi isang moral na obligasyon upang matiyak na napoprotektahan at hindi napapabayaan ang mga manggagawang nangangalaga sa kalinisan ng lungsod.